Saturday, August 2, 2014

I wished for Augustus and I was given Augustermites

Pagpasok ng Buwan ng Agosto, nakasaad sa aking horrorscope na kelangan ko maglinis at magtapon. Sa sobrang dami ng piscean sa mundo, hindi ko aakalaing ako ang pinapatamaan ng pagpapaalala na iyon.

Tinanog ako ni BFF kung alam ko ba yung Cupidity na libro. Sabi ko "OO,meron nga akong kopya ng libro na iyan". Manghihiram daw siya, kaya naman, pag dating na pagdating ko sa bahay, agad kong kinuha ang libro sa cabinet upang maihanda ko nang maipadala sa kanya sa susunod na weekend.

 Sa kasamaang palad, may bakas ng anay ang librong cupidity. Kinabahan na ako...sabi ko sa sarili ko NOOOOOOOO....wag naman ang mga books ko. Nung nakaraang buwan, inanay ang mga sapatos ko, dahilan upang itapon ko sila. (ang iba dun ay di pa nagagamit masyado). Ang tanging natira nalang sa aking ay yung napagtyagaan pang linisin. Bumalik tayo ulit sa libro,so ayu na , kinuha ko yung kasunod na libro at talagang nanlumo nako at mangiyak ngiyak. Nevermind na sakin yung mga anay na gumagapang sa kamay ko. Ang tanging nasa isip ko ay, bakit eto pang mamahalin na libro ang talagang nginatngat nila. Hardbound.Isang beses palang binasa. walang mintis at papasa bilang brand new book. 

Maraming libro ang nadale, pati journals ko (a.k.a hilaw na diary) hindi pinatawad. Mga literary write-ups ko (char!) na nakasulat sa scratch papers at resibo nagmukhang islands sa mapa. 

Ganun kasaklap ang bumungad sa akin. Imbes na matutulog ako ng maaga o di kaya ay mag-aaral para sa pasulit ngayong araw, naglinis ako ng cabinet at nagtapon ng mga mahahalagang bagay para sa akin. At dahil dyan, hindi ako nakatulog!

Nang ngingit ngit ako sa mga anay na yun, kulang nalang ay silaban ko sila. Pero syempre, hanggang sa akin nalang ang mga bad words ko. Ang tanging narinig nila (kung sila man ay may pandinig) ay ang mga panghihinayang at kalungkutan ko at ang mangiyak ngiyak kong boses. Sana naman (kung sila man ay damdamin) ay hindi na masundan. Tama na ang sapatos at libro. Hindi ko na babanggitin ang susunod na mga importanteng bagay sa akin at baka yun naman ang tirahin nila. (tsk!)


Tinatayang umabot sa xx,xxx.xx piso ang napinsala dahil sa anay na mga yun. Hindi pa kabilang doon ang mga sapatos.

Mabuti nalang at nasa classmates ko ang  mga John Green Books ko. Pero si stylized at the single woman at iba pang pocketbooks...pwede pang pagtyagaan pero hinarrass na sila ng anay.

Ang tanging pasalamat ko nalang rin ay, wala paring mintis ang Lang Leav na libro. (thank you. thank you.)

so ganun lang naman ang nagyari. naglinis.nainis.napuyat.

at wala akong maipakitang larawan bilang ebidensya kasi sira ang camera ko at ang cellphone ko ay TV at flashlight lang ang napapakinabangang extra features. 

No comments:

Post a Comment