So ayun, nanuod ako ng "That Thing Called Tadhana" ni JM de Guzman (Anthony), Angelica Panganiban (Mace) at isasali ko na si John Lloyd.Grabeng focus ko sa movie na 'to, di naman dahil sa very eager akong malaman ang storya kundi naubos ko na ang Large Fries at CokeFloat bago pa man magsimula ang movie. Kaya all my senses ay nasa malaking screen sa harapan.
>Ano nga ba ang magagawa ng pinanghahawakan mong 8 years vs. sa 7 words na " Hindi na kita mahal,makakaalis ka na" ? Ipaglalaban mo ba? Magmamakaawa ka ba?(tulad ng gustong gawin ni Mace) o iaasa mo nalang sa tadhana? Na kapag kayo talaga ang para sa isa't isa, kayo't kayo rin ang magkakatuluyan.
>Makakarecover ka pa ba? OO naman syempre! Maraming tangang magpapatunay na makakarecover ka (katulad nila). Wala nga lang exact number of days. In your own pace, you'll be able to move on.
>At kung sa pagmomove on mo ay may nakakasama ka, marapat lang talaga na magpasalamat sa kanila. Mas mabuti na yung malungkot pero di nag-iisa kesa sa malungkot ka na nga nag-iisa pa.
>At ang tanging magiging straight english sa post na ito ay ang famous lines from F.Scott Fitzgerald
“There are all kinds of love in this world but never the same love twice.”
Kaya sa susunod mong love, wag mo na icompare sa iba. Hindi ka magiging masaya dahil hindi ka makakakita ng bagong lovelife kung naghahanap ka ng clone ng ex mo. Kasi nga diba, we are all unique, there might be some similarities but never the same (Hindi ito kasali sa movie, kaechosang reflection ko lang ito)
> Balik naman sa movie na karelate talaga. Matatawa ka nalang (sa sarili mo) kasi parang ganun ka rin nung broken hearted ka.(nyahehe). Yung sa lahat ng bagay na makikita mo,may maaalala kang mairerelate sa inyo ng ex mo. (bakit ganon??. at kahit naman di xa kamukha ni John Lloyd, sa paningin mo, kamukha talaga ni John LLoyd ang ex mo (and not the other way round ---kamukha ng ex mo si John Lloyd).
Hindi pa tayo nakabalik sa movie, lumihis na ulit ang takbo ng utak ko.
> Ano nga kaya ang meron sa Baguio at Sagada at doon gustong gustong pumunta ng mga taong may problema sa puso? Hindi lang sa TTCT ito applicable. Marami nakong nabasang nobela na pumapanhik sa Sagada ang mga brokenhearted na characters para makapagmoveon o mag soul search.kapag naisip mo o ng ibang tao na magsoulsearching, simulan ka ng kabahan. Wala ng mas nakakadisturb sa thought na nawawala ang iyong sarili at kelangan mong hanapin .(malala na yun)
Gusto mag move on? Burgis ka ba?...pumunta ka sa Baguio para umiyak. Tumuloy ka na rin papuntang Sagada at nang makompleto ang cycle ng pagmomove on mo.
Pero wag kang tumigil na magmahal (ng ibang tao)...
> Huwag magdamdam kung hindi naibalik sa'yo ang sobra-sobrang pagmamahal na ibinibigay mo. Sa sobra-sobrang pagmamahal na iyon, imposibleng walang maibabalik sa'yo . Maniwala ka (ayon kay Anthony), maibabalik yun sayo,pwedeng hindi mula sa pinagbigyan mo pero pwede mula sa ibang tao.
Kaya Give lang ng give ng love. Para na rin yun sa ikatatahimik ng konsensya mo. Kung di man kayo para sa forever (meron ba nun?), at least naibigay mo lahat ng gusto mong ibigay at wala kang pagsisihang nagkulang ka.
>Pero ang highlight naman yata ng pelikula ay ang cute story tungkol sa The Arrow with a heart pierced through Him. Malamang sa sobrang konti ng words may magsasabing hindi iyon story. Ngunit ahswear!ito na ang storyang nakaka awwww at nakaka oooh. Actually, mukhang ang binayaran kong ticket ay para talaga sa story ni Pointy Arrow at ng natuhog na si Heart which goes somewhat (but not exactly ) like this....
May isang Pointy Arrow.
Araw-araw narealize nyang pabigat ng pabigat ang dinadala nya.
Pag check niya, may heart na nakatuhog sa kanya.
Dahil nabibigatan na sya, it went on a quest to find the owner of the heart and return it.
pero sa lahat ng napagtanungan nya,wala namang nawawalan ng puso though yung iba malapit na (pero di pa naman nawawala)
Hanggang sa tuluyan nang nag drop off yung heart.
Masaya si Arrow kasi it can go back to its life being a Pointy Arrow.
Pero napansin nyang, bumigat ang sarili nya
As time went by,it learned to carry its own weight and....
tapusin ang kwento sa pamamagitan ng panonood ng movie.
Hindi mo malalaman kung sino and pabigat o ang mabigat. Ikaw ba?O sya ba?Dahil ba nagiging extra baggage na sya? o ikaw ang extra?
hindi mo rin malalaman who's carrying who?Ang arrow ba na nagdadala ng bigat ng heart na nakatusok dito? o ang Heart (na tila Balloon) ang nagpapaangat ng arrow na mabigat?
Wag na nating sagutan. Di naman lahat ng may question mark ay tanong na dapat sagutan. :D
Sa katapusan ng pelikula, isang consolation ang nakuha ko...at iyon ay...
Hindi lang ikaw ang tanga sa mundo. Marami tayo (mabuti nalang marami tayo)
That thing called tadhana? well..Tadhana will help, but it's your decision and effort that will keep it
P.S. Hindi ito movie review.
Playlist?:
No comments:
Post a Comment